eto ung mga nagawa ko na:
1 - Pagtitrip dun sa sa mga random persons na nakakasalubong Kawayan mo yung victim mo, hanggang sa makuha mo atensyon nya. Dapat merong atleast 2-3 metres na distance between you. Syempre magtataka yung tao, kasi di ka naman nya kakilala pero makikipaginteract sya sayo dahil umaarte kang parang kilala mo sya. Then, senyas ka na palapitin sya. Pag malalapit na sya sayo, mare-realize na lang nya na hindi pala sya yung kausap mo. Kasi yung friend mo, biglang lilitaw mula sa likod nya at iyon ang lalapit sayo. Trick is.. deadma. Kunyari unaware ka sa presence nya all along. Ang di nya alam.. pinagtripan lang sya.
#3 - Gayahin yung posing ng mga mannequin sa Department Store.
#5 - Maya-maya pumila para manugapa ng free items.
#6 - Sa Toy Section: Paglaruan yung mga display.
#7 - Pinaglaruan namin yung mga tester sa perfume section. For one day man lang magamoy lacoste kami. LooooLs
#8 - Sa mga restaurant. Kumatok sa glass.. pag nakuha mo yung atensyon nung tao, ilahad mo yung kamay mo na parang nanlilimos ka.
#12 - umupo sa sahig ng bookstore. tapos manghila ng pantalon or palda ng mga taong dumadaan.
#13 - gayahin yung commercial ng mr. clean. yung mga bulag na kumakanta ng "o ilaw" pero kailangan ng gitara as props.
#14 - sa sinehan (horror movie) gumaya dun sa mga tumitili. tumili rin kahit walang nakakatakot na scene. maririnig mo, mapapatili din yung iba. lols
#16 - sumakay dun sa push cart sa supermarket. go cart racing!
#17 - sumakay dun sa mga pambatang rides. yung hinuhulugan ng token
#18 - makiepal sa usapan ng mga nakakasabay lumakad. pero dapat hindi mo kilala. (sa enchanted kingdom) sabay lakad palayo pag napatingin sayo
#25 - mang-interview ng crew sa fast food. kunwari assignment sa school.
#26 - pag may nakita kang chinese or hapon sa mall. kausapin mo. pero imbentong salita. (bf ko gumawa nito,koreano ata ung kinausap nya)
#27 - kapag nilapitan ka ng sales lady or sales man sa dep't store habang nagiikot ka. englishin mo. pero english carabao... on a socialite's accent. LERLS.
#28 - makipagusap sa statue ni jollibee or ni mcdonalds
#29 - sumingit kapag merong nagpipicture taking
dagdag:
ginawa ng bf ko at ng mga tropa niya:
pumasok sa bilihan ng jewelry.may dala silang skateboard tas itinutok ung skatebord sa saleslady sabay sigaw ng : HOLDAP TO!! tas tumakbo palabas bago mawala ung shock ng mga tao sa shop.